Humirit si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na payagan siyang manatili sa New Bilibid Prison infirmary para kanyang kalagayang pangkalusugan.
Sa mosyon na inihain ng abogado ng dating gobernador sa Quezon City Regional Trial Court, hiniling nito na payagan siya ng Korte na manatili sa pagamutan para sa pagpapatuloy ng kanyang theraphy, rehabilitaton, at pag inom ng kanyang gamot na binubuo ng 14 na klase sa loob lamang ng isang araw.
Kasabay nito, siniguro ng kampo ni Ampatuan na mahigpit itong susunod sa lahat ng logistic, security, at administrative measures na ipapatupad ng Korte.
Una nang na-ospital sa Makati Medical Center nuong Oktubre 2019 si Ampatuan matapos na ma–stroke.
Matatandaang kabilang si Ampatuan sa mga pangunahing suspek sa Ampatuan Masaccre Case na hinatulan ng Korte ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 40 taon ng walang parol dahil sa pagkamatay ng 57 katao sa Maguindanao.