Naghahanda na ang mga mangingisda ng Zambales para i-test o subukan ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na puwede na silang mangisda sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Zambales Governor Amor Deloso, humina ang kita ng mga mangingisda mula nang itigil nila ang pagpalaot sa Scarborough Shoal dahil sa pambubully ng Chinese Coast Guard.
Samantala, sinabi ni Deloso na talo ang Pilipinas sa planong fishing cooperation sa pagitan ng bansa at ng China.
Sakali anyang pasukin ito ng pamahalaan dapat ay maging limitado lamang ang sakop ng kooperasyon.
Bajo de Masinloc
Kinumpirma ni Zambales Governor Amor Deloso ang paniningil nila sa lahat ng dayuhang barko na dumadaan sa nasasakupan nilang karagatan.
Gayunman, nilinaw ni Deloso na bahagi ito ng United Nations Clause hinggil sa pagpapanatili ng kalinisan sa karagatan.
Sa loob anya ng isang buwan ay umaabot sa 1 milyong dolar ang nasisingil sa mga dumadaraang barko sa Zambales at 10 porsyento nito ang napupunta sa pamahalaang panlalawigan.
Samantala, aminado rin si Deloso na nagagamit ang kanilang karagatan na bagsakan ng illegal drugs na posibleng mula sa China.
Ayon kay Deloso, batay sa kanilang impormasyon, sa gitna ng karagatan ibinabagsak ang saku-sakong droga na sinusundo na lamang ng maliliit na bangka.
Illegal Mining
Ipinauubaya na ni Zambales Governor Amor Deloso sa Department of Environment and Natural Resources o DENR at sa Office of the Ombudsman ang paghahabol sa mga responsable sa naganap na illegal na pagmimina sa lalawigan.
Ayon kay Deloso, agad niyang ipinahinto ang lahat ng klase ng pamimina sa Zambales nang maupo siyang gobernador ng lalawigan.
Sinasabing nasa 20 milyong truckloads ng lupa ang nakuha ng China sa Zambales noong panahon ni dating Governor Hermogenes Ebdane na ginamit sa paglikha ng artificial island sa Scarborough Shoal.
By Len Aguirre | Ratsada Balita