Muling niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Luzon kanilang 2:02 ng madaling araw.
Naitala ang sentro ng lindol sa layong labing limang kilometro (15km) Hilagang-Silangan ng Castillejos sa Zambales.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na labing isang kilometro (11km).
Naramdaman naman ang intensity 3 sa Olongapo city at intensity 2 sa Quezon city, Muntinlupa city at Taguig city.
Habang instrumental intensity 3 sa San Ildefonso, Bulacan; Olongapo city at Guagua, Pampanga at instrumental intensity 1 sa Talisay, Batangas; Tagaytay City, Palayan City, Pasig City, Gapan city, Malolos, Bulacan at Magalang, Pampanga.
Wala namang inaasahang aftershock at pinsala sa mga ari-arian ang PHIVOLCS dahil sa nasabing lindol.