Niyanig ng 5.2 magnitude earthquake ang Palauig, Zambales Huwebes ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), naganap ang pagyanig bandang 9:00 ng gabi na may lalim na 31 kilometro at tectonic ang origin ng pagyanig.
Samantala, wala naman naitalang pinsala at inaasahan rin ang aftershocks.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.