Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Zambales dakong 4:06 ng hapon kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro nang pagyanig sa layong pitong kilometro, timugang bahagi ng masinloc sa Zambales.
May lalim itong apatnapung kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity 2 ng lindol sa quezon city habang instrumental intensity 4 ang naramdaman sa Iba, Zambales.
Instrumental intensity 3 naman ang naramdaman sa Infanta, Pangasinan at Olongapo City, Zambales; instrumental intensity 2 sa Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan at Subic, San Antonio, Zambales
Samantala instrumental intensity 1 ang naramdaman sa Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon at Tarlac City.