Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Zambales kaninang alas-8:17 ng umaga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, namataan ang lindol sa layong 169 kilometers sa hilagang-kanluran ng bayan ng palawig.
May lalim ito na 22 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na asahan ang posibleng aftershocks ng lindol. —sa panulat ni Airiam Sancho