Pansamantalang ititigil ang operasyon ng Zamboanga Airport sa Sabado, Setyembre 28.
Ito ay bilang bahagi ng isasagawang full scale mock emergency exercise sa naturang paliparan.
Isasara ang Zamboanga Airport ng apat na oras mula 8 a.m. hanggang 11 a.m..
Payo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga pasahero, huwag magpanic at makiisa sa gagawing drill.
Kasama sa naturang aktibidad ang pagsunog ng isang mock airplane na rerespondehan naman ng mga nakatalagang emergency vehicles sa nasabing airport.