Nagsagawa ang Zamboanga City Health Office ng larvicide application operation sa Barangay Putik ng nasabing lungsod upang matugunan ang tumataas na kaso ng dengue fever.
Ayon kay Assistant CHO Health Officer Dr. Cathy Garcia, na ang Barangay Putik ay isa sa mga barangay na may mataas na kaso ng dengue sa lungsod.
Gayunpaman, hindi sinabi ni Garcia kung ilan ang kaso ng dengue sa nasabing nayon maliban na lamang na nakapagtala ng kabuuang isang daan at dalawamput tatlong kaso ng dengue sa iba’t ibang barangay na may dalawang nasawi simula noong Enero taong kasalukuyan.
Samantala, pinayuhan ni Garcia ang mga magulang na agad na magpatingin sa doktor kapag nagpakita ng sintomas ng dengue ang kanilang mga anak upang maiwasan ang karagdagang komplikasyon. — Sa panulat ni Kim Gomez