Iginiit ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco ang pagkontrang mapabilang ang kanilang lungsod sa panukalang Bangsamoro Homeland sa ilalim ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Kasunod na rin ito nang pagbisita ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Zamboanga City.
Ipinabatid ni Roque ang pagtiyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pipiliting mapasama sa BBL ang mga lugar na itinuturing na Christian dominant tulad ng Zamboanga City at Davao City.
Gayunman muling tiniyak ni Climaco ang buong suporta ng Zamboanga City sa BBL.
Una nang nagpasa ng resolusyon ang Regional Peace and Order Council na nagdedeklarang walang teritoryo ang MILF sa Zamboanga Peninsula at ito ang gagamitin para hindi maipasok ang anumang lugar sa Zamboanga peninsula sa BBL.