Nagpulong ang Zamboanga City Peace and Order Council kahapon kasunod ng pagpapasabog sa isang mosque sa naturang syudad.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco, nanatiling prioridad ng lokal na pamahalaan ang seguridad, kalusugan at edukasyon kaya kinailangan na mag convene ang konseho.
Nanatiling nasa high alert status ang buong syudad matapos ang pag-atake na nagdulot ng pagkasawi ng dalawa habang sugatan ang anim na iba pa.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan tinitignan naman ngayon ang anggulong suicide bombing.