Mananatiling nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Zamboanga City dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Batay sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, mananatili sa MECQ ang lungsod hanggang Nobyembre 15.
Sa ngayon ay mayroong 20,887 kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City, na may 2,333 active cases. —sa panulat ni Hya Ludivico