Umaapela sa national government ang Zamboanga City para mapalawig ang modified enhanced community quarantine (MECQ) status nito simula sa ika-15 ng Mayo.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, kulang pa ang panahong nasa MECQ ang lungsod dahil hinihiling mismo ng mga doktor na ma-extend pa ang MECQ ng dalawang linggo hanggang isang buwan dahil sa pagsirit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases dito.
Sinabi ni Climaco na 600 hanggang 1,000 residente ang nakahome quarantine na dahil sa kakulangan ng isolation facilities.
Ang Zamboanga City ay nasa ilalim ng MECQ mula ika-8 ng Mayo hanggang bukas, ika-14 ng Mayo at nasa 2, 039 na ang active cases hanggang ngayong araw na ito.