Sinuspinde ng 3 buwan ng Office of the Ombudsman si Zamboanga Del Norte Governor Roberto Uy dahil sa simple misconduct.
Nag-ugat ang suspensyon kay Uy dahil sa iligal na pagsibak nito sa 6 na empleyado ng lalawigan noong 2013 para ilagay sa pwesto ang kanyang mga sariling tauhan.
Simula nang maupo si Uy noong 2013, ipinatigil niya ang serbisyo ng mga nabanggit na probationary employees.
Dahil dito, nagpasaklolo sa Civil Service Commission ang 6 na kawani na nagsabing iligal ang naganap na pagpapatalsik sa kanila sa posisyon.
Ipinag-utos din ng ahensiya ang pagbalik sa puwesto sa 6 na kawani at bayaran sila sa kanilang back wages at iba pang mga benepisyo.
By: Meann Tanbio