Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga del Norte dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Sa datos ng Zamboanga del Norte Provincial Office of Agriculture, umaabot na sa mahigit P162 milyong piso ang pinsala sa pananim, mahigit P92 milyong piso sa palay at mahigit P69,000 ang pinsala sa mais.
Partikular na apektado ng El Niño ang 10 munisipalidad sa Zamboanga del Norte na kinabibilangan ng Sergio Osmena, Sibutad, Piñan, Labason, Gutalac, Godod, Sindagan, Manukan, Kalawit at Rizal.
Sa tala naman ng Department of Agriculture, kabuuang 5,778 na magsasaka ang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa mga nabanggit na munisipalidad.
By Meann Tanbio