Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bahagi ng Zamboanga Del Norte kaninang alas 6:29 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, natunton ng sentro ng pagyanig sa layong 35 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng siocon.
May lalim itong 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity 4 at instrumental intensity 3 sa Zamboanga City.
Hindi naman inaasahan ng PHIVOLCS na magdudulot ito ng pinsala sa mga ari-arian gayundin ng mga aftershocks.