Pinakakasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si Zamboanga del Sur Governor Aurora Cerilles kasama ang 4 na miyembro ng Bids and Awards Committee o BAC ng lalawigan.
Ayon sa Ombudsman, nagkaroon ng katiwalian sa pagbili ng Zamboanga del Sur Government sa halos 15 milyong pisong halaga ng solar lights para sa bayan ng Dumalinao noong 2008.
Ang pondong ipinambili ng solar lights ay nagmula sa Priority Development Assistance Fund ng noo’y Congressman Antonio Cerilles.
Ang resolusyon ng Ombudsman ay batay sa report ng Commission on Audit na walang naganap na bidding sa pagbili ng solar lights.
Pinuna sa COA report na, tatlong araw lamang ang inabot mula sa pagsusumite ng quotation ng Willstrong Becker Philippines hanggang sa pagpapalabas ng resolusyon ng BAC na nag-apruba sa quotation ng nabanggit na kumpanya.
By Len Aguirre