Inanunsyo ni Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu na siya ay naka-confine sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Yu na kasalukuyan siyang nakararanas ng mild hanggang moderate symptoms ng nasabing sakit.
Tuloy naman ayon sa gobernador ang kanyang tungkulin sa kabila ng kanyang pagkakasakit.
Nasa ilalim ng General Community Quarantine with heighten restriction ang lalawigan ng Zamboanga Del Sur hanggang Setyembre 7, 2021.—sa panulat ni Rex Espiritu