Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Zamboanga del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 26 kilometro timog silangan ng bayan ng Tabina.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na labing anim (16) na kilometro .
Naramdaman ang intensity 1 sa Zamboanga City.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.
—-