Nangangamba ang mga health official ng Zamboanga City kaugnay sa posibilidad ng norovirus outbreak sa lungsod.
Kasunod na rin ito ayon sa city health officials nang pagtaas ng kaso ng diarrhea na isa sa mga sintomas ng norovirus .
Una nang ipinabatid ni Zamboanga City Health Officer Dr. Rodel Agbulos na ang norovirus infection ang dahilan ng pagda-diarrhea ng mga pasyente base na rin sa resulta ng laboratory test mula sa RITM o Research Institute for Tropical Medicine.
Pumapalo na sa 702 kaso ng diarrhea ang nai-record sa Zamboanga City at tatlo rito ay mga batang may edad 5 pababa.
Sinasabing isang bilanggo mula sa Zamboanga City jail ang nasawi dahil sa nasabing sakit na kabilang sa mga sintomas bukod sa diarrhea ay pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat at pananakit ng ulo.
By Judith Larino
Photo Credit: US Centers for Disease Control and Prevention