Isinailalim na sa State of Calamity ang buong Zamboanga City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue sa lungsod.
Ayon kay Elmeir Apolinario, Head ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, pumalo na sa 1883 ang kaso ng Dengue sa buwan ng Hulyo kung saan naabot na nito ang Epidemic Threshold.
Mahigit apatnalibo na rin ang naitalng kaso ng Dengue sa buong lungsod mula Enero hanggang Hulyo nitong taon.
Higit doble ito kumpara sa dalawang libong naitala nuong nakaraang taon.
Nasa 23 na rin ang nasawi dahil sa Dengue kung saan karamihan ay Menor de Edad.
Paliwanag ni Apolinario, hindi agad naisailalim ang lungsod sa State of Calamity sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue dahil sa hindi pa naiaalis ang naunang deklarasyon nito bunsod naman ng El Niño.
Nito lamang Martes umano nag convene ang ZCDRRM Council.