Tatlong bahay ang napinsala matapos tumama ang magnitude 6 na lindol sa Zamboanga Peninsula kaninang madaling araw.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 17 kilometro Hilagang Kanluran ng Baliguian, Zamboanga del Norte.
Ang mga nasirang bahay ay buhat sa Barangay Sinunoc sa Zamboanga City na siyang nakaranas ng pinakamalakas na pagyanig na nasa intensity 5.
Samantala, naramdaman naman ang intensity 4 sa Baliuguian at Labason sa Zamboanga del Norte, intensity 2 sa Dipolog City habang intensity 1 naman ang naitala sa bayan ng Liloy.
Kaugnay nito, binalaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko sa posible pang aftershocks.
By Ralph Obina