Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Zamboanga City laban sa bushfire bunsod ng tumitinding El Niño phenomenon.
Ayon kay City Fire Marshal Chief Inspector Clint Cha, dapat mag-ingat ang mga mamamayan sa pagsusunog ng mga basura at damo sa komunidad.
Giit ni Cha, posible umanong kumalat ang apoy at magdulot ng sunog sa mga kagubatan.
Sinabi ng opisyal na nakapagtala ang kanilang yunit ng halos 70 bushfire mula Enero hanggang Abril noong nakaraang taon.
Matatandaang nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring tumindi ang El Niño phenomenon sa unang quarter ng 2016.
By Jelbert Perdez
*Photo Credit: BrigadaPH (Albay bushfire)