Proud na proud ang Zamboanga sa pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa weigthlifting sa Tokyo Olympics.
Ayon kay Vice Mayor Rommel Agan, sakto at naihabol ang pagamyenda ng kanilang ordinansa kung saan madadagdagan ang matatanggap na insentibo ng mga atletang Zamboangeño na maguuwi ng karangalan sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Agan na mula sa dating P1 milyong insentibo kada gintong medalya, ngayon ay naging P2.5 milyon na ito.
Ani Agan bagama’t hindi ito kasing laki ng mga pabuyang igagawad ng ibang mga kumpanya at ng national government, ang mahalaga ay maiparamdam nila ang suporta at pagpapahalaga sa ginawang sakripisyo at pagsisikap ng kanilang atleta para makapag uwi ng karangalan sa bansa.
Yung sa amin lang, ma-boost lang yung morale ng aming mga atleta, we appreciate their sacrifices all these years. Mahirap mag train as an athlete for Hidilyn and Kiyomi. Alam naman namin yung hirap na dinaanan nila para lang mag qualify sa Olympics.
Ang tinig ni Zamboanga Vice Mayor Rommel Agan sa panayam ng DWIZ.