Balik sa pagiging no.1 contender para sa Women’s atomweight title si Denice Zamboanga habang nagtagumpay din ang kanyang kuya na si Drex Zamboanga sa kanilang laban sa ONE Championship sa isang closed-door arena sa Bangkok, Thailand.
Halos hindi pinagpawisan si Denice nang pasukuin niya ang kalabang si Watsapinya “Dream Girl” Kaewkhong sa unang round ng kanilang bakbakan.
Samantala, pinatulog naman ni Drex ang kanyang kalabang si Detchadin Sorsirisuphathin sa kanilang flyweight bout.
Dahil dito, may karapatan na si Denice para hamunin ang kasalukuyang atomweight champion na si Angela Lim na atat na ring makasagupa ang naturang Pinay.