Tigil muna sa pagtanggap ng balik-probinsyang locally stranded individuals ang lungsod ng Zamboanga simula Lunes, Oktubre 26.
Sa isang public advisory sa Facebook page ng lokal na pamahalaan, ipinaliwanag na ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng mga LSI’0s sa lungsod ay bunsod ng limitadong quarantine facilities at pagsasara ng mga borders ng mga katabi nitong probinsya.
Ikinasa umano ang moratorium matapos maglabas ng resolusyon ang Regional Inter-Agency Task Force hinggil sa naturang usapin.
Kasalukuyang umiiral ang modified general community quarantine (MGCQ) sa siyudad hanggang Oktubre 31.