Kinuwestyon ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang data ng DOH hinggil sa kaso ng COVID-19.
Kasunod na rin ito nang pagkontra ni Zamora sa report ng DOH na nagsasabing kabilang ang San Juan sa walong lungsod sa Metro Manila na sumisirit ang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinabi ni Zamora na nagkakaruon ng discrepancy dahil hindi nabe-verify ng maayos ang mga data na inilalabas ng covid kaya reporting system ng DOH.
Kailangan aniyang ayusin ng DOH ang kanilang data at makipag-ugnayan sa local government units na kumu-kuwestyon sa data ng ahensya.
Binigyang diin ni Zamora na mayruon lamang 75 new cases ng COVID-19 ang San Juan kahapon, Miyerkules subalit mas mataas pa ang bilang sa record ng DOH.