Hiwalay na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.
Ito ang kinumpirma mismo ni Zanjoe sa January 20 episode ng Tonight with Boy Abunda.
Sa tanong ng TV host na si Boy kung paano ito dinadala ng aktor, emosyonal na sinabi ni Zanjoe na walang madaling paraan sa paghihiwalay, at kailangan lang talagang pagdaanan ito.
Hindi naman nagbigay pa ng maraming pahayag ang aktor hinggil sa isyu.
Matatandaang noong isang taon ay sinabi din ni Bea na dumaan ang relasyon nila ni Zanjoe sa mga problema at pagsubok ngunit nagawa naman nilang maayos ito dahil nananatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Mahigit sa apat na taong naging magkasintahan ang dalawa.
*Photo Credit: Tonight With Boy Abunda Instagram