Nagsalita na si Zanjoe Marudo tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Bela Padilla.
Alyon sa aktor, magkaibigan lang talaga sila ni Bela.
Nagpaliwanag sa comment niyang kinailangan pa niyang maghubad para mag-comment umano si Bela.
Sinabi nito na hindi mahilig mag-like o mag-comment sa kanyang mga post si Bela kaya’t nakakagulat aniya nang minsan itong nag-comment.
Samantala, inamin ni Zanjoe na hindi pa siya handa para sa isang panibagong commitment dahil sa natatakot pa siyang umibig muli.