Malungkot na Pasko ang sasalubong sa maraming Pilipino sa taong ito dahil sa pag ratipika sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Tinawag ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na ‘grinch’ na sumisira sa Pasko ang mga nag apruba sa anti – poor tax reform program ng gobyerno.
Isa aniyang pabigat ang TRAIN na lalong magpapahirap sa mga mahihirap at pumapabor sa mga mayayaman at malalaking negosyante.
Sa halip na ang mga mayayaman at mga malalaking korporasyon na hindi nagbabayad ng tamang buwis, sinabi ni Zarate na ang mga mahihirap pa ang target ng TRAIN.
Ayon pa kay Zarate, mas maraming mahihirap ang tatamaan sa mabigat na epekto ng TRAIN dahil sa pagtaas ng kuryente sa coal tax, pagtaas ng pamasahe bunsod ng excise tax sa mga produktong petrolyo, sweetened beverage tax at 12% VAT na ipapataw sa mga serbisyo tulad ng shipping at energy generation.