Pinatututukan ni Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagresolba sa manipis na power supply sa Luzon sa halip na makisali sa mga aktibidad ng PDP laban.
Magugunitang pinangunahan ni Cusi, vice chairman ng PDP Laban ang national council meeting ng ruling party sa Cebu nuong Lunes kung saan inadopt ang resolusyong humihimok sa Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.
Sinabi ni Zarate na dapat unahin ni Cusi ang trabaho nitong solusyunan ang problema sa supply ng kuryente na nag resulta sa rotational brownouts at hindi ang makipag away sa kanilang partido para mas manatili pa sa poder ang Pangulong Duterte.
Kaugnay nito nanawagan si Zarate na maamiyendahan at marepaso ang Electric Power Industry Reform Act para makabuo ng energy plan ang gobyerno at hindi ng power oligarchs.