Pinauuna ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate kay Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang pagtutok sa problemang dala ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Zarate ito ang dapat unahin ni Duterte bago ang usapin sa halalan sa susunod na taon.
Dagdag pa ni Zarate na hindi rin napapanahong bigyang pansin ang mga pinapalutang na tambalang Sara Duterte–Gibo Teodoro sa halalan.
Kasunod nito, ipinayo ni Zarate kay Mayor Duterte na tutukan ang umuusad na vaccine roll out at ang COVID-19 testing, isolation, at treatment sa mga dinadapuan nito. —-ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)