Duda si House Deputy minority floor leader Bayan Muna Congressman Carlos Zarate sa posibilidad na samantalahin ng mga kumpanya ng langis ang nangyaring pag atake ng mga armado sa 2 malalaking planta ng langis sa Saudi Arabia.
Ito ayon kay Zarate sa gitna na rin ng pagtataas ng presyo ng oil products ngayong araw na ito.
Bukod dito, sinabi ni Zarate na nababahala siya sa unbundled data ng oil prices sa bansa kung saan bulag ang mga pilipino sa presyuhan ng langis at mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Zarate na 2017 pa nila hinihingi ang oil pricing data ng oil companies para makita kung mayruong overcharging subalit hindi pa tumatalima ag mga kumpanya ng langis.
Dahil dito, umapela si Zarate sa kamara na tugunan na ang panukala nilang imbestigahan ang pricing schemes ng oil companies