Target ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang zero backlog bago siya bumaba sa puwesto sa 2018.
Inihayag ito ni Morales sa kanyang good governance lecture na ginanap sa Ateneo de Manila University Campus sa Rockwell, Makati.
Ayon kay Morales, hindi bababa sa 390 complaints kada buwan ang kanilang natatanggap, base sa kanilang datos sa unang 6 na buwan ng taong 2015.
Idinagdag pa ni Morales na hanggang nitong December 31, 2015, ang Ombudsman ay mayroong nakabinbin na 11,056 administrative at criminal cases.
Mula sa naturang bilang, umaabot sa 6,707 administrative at criminal cases ang kanilang naresolba noong nakaraang taon.
By Meann Tanbio