Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na labag sa konstitusyon ang nais ng ilang mambabatas na tapyasan o bigyan ng zero budget ang CHR o Commission on Human Rights.
Ayon kay Hontiveros, ito ay dahil ang CHR ang may fiscal autonomy tulad ng iba pang constitutional body.
Nangangahulugan din aniya na ang zero budget sa CHR ay zero human rights para sa taumbayan dahil mandato nito ang tiyaking walang magiging pag-abuso at pagpapabaya sa bahagi ng gobyerno.
Ipinaalala rin ni Hontiveros nabibigay din ito ng signal sa national at international communities na hindi committed ang Duterte administration sa pagsusulong ng karapatang pantao sa bansa.