Target ng Philippine National Police (PNP) ang zero casualties sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng ikinakasang inspeksyon sa ilang tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.
Muling umapela si Azurin sa publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga naturang produkto.
Dagdag pa ni Azurin na malaki ang magagawa ng pakikipagulungan ng taumbayan para makamit ang layunin ng ahensya na zero injury ngayong holiday season.
Samantala, kabilang naman sa mga ipinagbabawal na paputok ang:
- Goodbye bading
- Goodbye Covid
- Kwiton parachute
- Kwiton bomb
- Kabasi
- Special pla-pla
- Atomic
- at Coke in can —sa panulat ni Hannah Oledan