Umaasa si National Disaster Risk Reduction Management Council Director Undersecretary Alexander Pama na mananatiling Zero casualty ang buong bansa sa harap na rin ng pananalasa ng bagyong Lando.
Ayon kay Pama, sa ngayon ay wala pang naitatalang casualty at injured ang NDRRMC ilang oras matapos mag landfall sa Aurora ang bagyo.
Tuloy-tuloy naman anya ang ginagawang paglilikas ng mga tauhan ng local offices ng NDRRMC sa mga residenteng nasa mga lugar na delikado sa landslide at pagbaha.
Kung matatandaan, sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino noong Biyernes na target ng pamahalaan ang zero casualty kahit pa malakas ang bagyong Lando.
By: Jonathan Andal