Sumampa na sa 409 na pamilya o mahigit 1500 katao ang apektado ng Bagyong Ferdie kahit nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Pinaka-matinding nakaranas ng hagupit ng bagyo ang Batanes group of islands maging ang bayan ng Claveria, Cagayan.
Mahigit dalawampung bahay naman ang napinsala sa bayan ng Uyugan, Batanes.
Sa kabila nito, inihayag ng NDRRMC na walang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng naturang sama ng panahon.
Samantala, nadaraanan na ang mga kalsada sa Ilocos Norte at Sur na una ng ipinasara dahil sa landslide habang nananatiling putol ang power supply sa ilang bahagi ng Batanes.
By: Drew Nacino