Pinatitiyak ng Department of the Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan gayundin sa PNP at BFP ang zero casualty sa paputok.
Ito ang mahigpit na atas ni DILG Sec. Eduardo Año kasabay ng pagdiriwang pasko at bagong taon ng mga Pilipino.
Ayon sa kalihim, mandato ng mga lokal na pamahalaan na siguruhin ang kapakanan ng kanilang nasasakupan sa pagpapatupad ng mga ordinansa kontra paputok.
Binigyang diin pa ng kalihim na maaari pa rin namang makapagdiwang ng pasko at bagong taon ang mga Pilipino nang walang nabubuwis na buhay dahil lang sa paggamit ng mga paputok salig sa tradisyon.
Kasunod nito, nais din ni Año na paigtingin pa ng PNP at ng BFP ang kanilang kampaniya na “sa halip na paputok, pito!’ na naglalayong itaguyod ang isang ligtas na pagsalibong sa bagong taon.