Aminado ang Malacañang na malaking hamon pa rin ang target na zero casualty tuwing mayroong bagyo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, hirap pa ring kumbinsihin ang publiko na makiisa o sumunod sa abiso tuwing may kalamidad.
Hindi naman aniya nagkukulang ang gobyerno sa paalala at personal pa itong umaapela para lamang sumunod sa mga abiso at babala ng mga otoridad.
Inihayag ng pangulo na palaisipan sa pamahalaan kung ano ang pinakamabisang istratehiya para maging ligtas ang lahat ng mamamayan tuwing may bagyo.
Sa katatapos na bagyong Nona ay umakyat na sa mahigit 20 ang bilang ng mga nasawi dulot ng matinding pananalasa sa ilang lalawigan.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)