Hindi umaasa si Health Secretary Francisco Duque III na makapagtatala ang bansa ng zero case ng COVID-19.
Gayunman,target nilang mas mapababa pa ang mga naitatalang bagong kaso.
Ayon kay Duque, mananatili o magiging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang COVID-19.
Paliwanag ni Duque, kasalukuyan nang na-flatten ng bansa ang curve sa COVID-19 pero target pa rin nilang mas mapababa pa ang trend at hindi lamang mapantay ang naitatalang kaso.
Sinabi ni Duque, mayroon silang 2 pinakamahalagang layunin ito ang makontrol ang mga kaso ng hawaan at mapataas ang kapasidad ng healthcare system sa bansa.