Naitala ang zero crime rate sa Metro Manila kasabay sa inagurasyon ni President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Spokesperson ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), walang naitalang krimen kasabay sa panunumpa ni Duterte.
Sinabi ni Molitas na kadalasang naitatala ang zero-crime rate sa NCR kapag may laban si Filipino boxing champion at Senator Manny Pacquiao.
Maituturing na hindi pangkaraniwan ang naturang pangyayari dahil bago pa ang panunumpa ni President Duterte ay maraming nirerespondehang krimen ang PNP.
By Rianne Briones