Nakapagtala ng zero election-related incident ang Navotas City kung saan, umabot sa 23,000 residente ang bumoto at nagpunta sa Dagat-Dagatan Elementary School.
Nabatid na naging madali ang proseso ng pagboto sa kabila ng mga isyu sa Vote Counting Machines (VCMs.)
Ayon kay Master Sgt. Alano Javier Quisto ng Navotas City Police Station, simula pa lang ng halalan kahapon, zero na ang naitala nilang election-related incidents gaya ng pamamahagi ng sample ballots o flyers.
Sinabi ni Quisto na agad na inaksyonan at pinalitan ang mga hindi gumaganang VCM sa nabanggit na polling precinct.