Target ng bansang Amerika na zero-emission na sa taong 2030 ang kalahati sa lahat ng nabentang sasakyan sa nasabing bansa.
Ayon sa white house, plano ni US President Joe Biden na sundin ang ilan sa mga regulasyonng pangkalikasan sa ilalim ni dating US President Donald Trump.
Paliwanag pa nila na lalagda si Biden ng Executive Order na planong gawing zero-emissions ang kalahati sa lahat ng bagong sasakyan na mabebenta sa sa susunod na sampung taon kasama na rito ang battery electric, plug-in hybrid electric o fuel cell electric vehicles.
Pinalagan naman ito ng ilan sa malalaking samahan ng auto workers sa kanilang bansa. —sa panulat ni Rex Espiritu