Target ng Bureau of Fire Protection ang zero fire incident sa New Year.
Ayon kay Gerrandie Agonos, Spokesman ng BFP, naging matagumpay ang kanilang kampanya laban sa sunog ngayong Disyembre.
Sa katunayan, nasa 645 lamang anya ang naitalang sunog mula December 1 hanggang 30 kumpara sa halos 1,000 nuong Disyembre ng nakaraang taon.
Karamihan rin anya sa mga ito ay non-structural fire o walang gusali o bahay na sangkot.
Sinabi ni Agonos na nagbabahay bahay ang mga bumbero upang magbahagi ng kaalaman sa komunidad at magpa alala sa panganib na dala ng paputok at faulty electrical connections.
Una nang itinaas sa red alert ang estado ng BFP bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon.