Muling nakapagtala ng zero firecracker incident sa Davao City sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Resulta ito nang pinagiting na firecracker ban sa Davao City at sa halip ay gumamit na lamang ng torotot.
Samantala, 8,000 hanggang 10,000 katao ang nakiisa sa torotot festival na idinaos sa San Pedro Town Square sa lungsod na ikatlong taon nang isinasagawa bilang bahagi ng taunang new years celebration sa Davao.
Sinabi ni Leo Villareal, Hepe ng City Information Office ng LGU Davao na sampung libong torotor ang inihanda ng city government para sa nasabing aktibidad.
By: Judith Larino