Ikinakampanya ngayon ng Caritas Philippines, ang social action arm ng Simbahang Katoliko ang pagpasa sa tinaguriang Zero Hunger Bill.
Nag-iikot sa iba’t ibang parokya ang Caritas Philippines upang mangalap ng lagda bilang pagsuporta sa House Bill 3795 o ang Right to Adequate Food Framework Act of 2014.
Ayon kay Archbishop Rolando Tirona, Chairman ng Caritas Philippines, bahagi ito ng kanilang pagsisikap na isulong ang kapakanan ng mga mahihirap at igiit ang pangunahing karapatang kumain ng lahat ng mamamayan.
Layon ng Caritas Philippines na mahikayat ang Pangulong Noynoy Aquino na sertipikahang urgent ang Zero Hunger Bill.
Sa ilalim ng panukalang batas, gagawing prayoridad ng pamahalaan ang pagtiyak na maibibigay sa lahat ang karapatang kumain at gumawa ng komprehensibong hakbang para tugunan ang kagutuman.
By Len Aguirre