Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Ang zero incident sa kanilang polling places ngayong araw ng halalan.
Ayon kay BJMP Chief, Jail Director Allan Iral, aabot sa 33,409 Person’s Deprived of Liberty (PDL) ang boboto ngayong araw.
Katumbas ito ng 39.2% ng kabuuang populasyon ng bilangguan na 131, 21, kabilang na ang 30,726 na boboto on-site.
Ang Cebu City Jail Male Dormitory ang may pinakamaraming bilang ng botante na nasa 1, 102 na bilanggo.