Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa nalalapit na Undas.
Libu-libong Pilipino ang inaasahang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Undas para dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.
Partikular na tututukan ng mga tauhan ng Coast Guard ang mga critical ports na madalas na dinadagsa at pinakaabalang mga pantalan.
Kabilang dito ang mga pantalan ng Matnog sa Sorsogon, Allen sa Northern Samar, Cebu, Cagayan de Oro, Guimaras, Batangas at Oriental Mindoro.
Target ng PCG ngayong Undas 2015 ang zero maritime casualty.
Mananatili namang naka-heightened alert ang PCG hanggang Nobyembre 5.
Samantala, gumulong na ang routine seaworthiness check ng MARINA o Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard sa mga barkong bibiyahe ngayong Undas.
Kasunod na rin ito nang pagdagsa ng mga uuwi sa mga lalawigan para dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Layon ng inspeksyon na matiyak na ligtas sa biyahe ang mga barko at walang overloading sa bawat barkong umaalis.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang flammable materials, patalim, paputok at iba pang maaaring makapinsala sa ibang sakay ng barko.
By Ralph Obina | Judith Larino