Isinusulong ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang zero placement fee sa mga aalis na Overseas Filipino Workers o OFW.
Ayon kay POEA Deputy Administrator Liberty Casco, kukunsultahin ng ahensya ang mga labor group, NGO at recruitment agency at Foreign Affairs ukol sa isyung ito.
Kung magkakasundo posibleng sa susunod na taon ay mawawala na ang placement fee na katumbas ng isang buwang sweldo ng mga mangagawa.
Target na tanggalin ang placement fee sa mga bansa sa Middle East at iba pang Asian countries na syang pangunahing pinupuntahan ng mga OFW.
Exempted na pagbabayad ng placement fee ang mga household service workers at seafearers.
Umiiral na rin ang zero placement fee sa United Kingdom, Canada, Netherlands at New Zealand.
By Rianne Briones
1 comment
This is a good news for our fellow overseas Filipino if once implemented. Sana maaprubahan!