Binaliktad ni US President Donald Trump ang zero tolerance policy na nais niyang ipatupad sa mga illegal immigrants sa Amerika.
Ito’y makaraang lagdaan na ni Trump ang isang executive order na nangangakong pananatilihing buo ang pamilyang migrante kahit pa sila’y may mga paglabag.
Pero batay sa nilagdaang kautusan ni Trump, kasama na rin ng mga maaaresto ang kanilang mga anak sakaling sila’y maaresto maliban na lamang kung ito’y makapagdudulot ng negatibong epekto sa mga kabataan.
Pero nanindigan ang US President na kanila pa ring ipatutupad ang zero tolerance policy sa mga migranteng iligal na nananatili sa Amerika subalit may mga exemptions na nakalaan para sa mga bata.
Magugunitang binatikos ni Pope Francis ang polisiya na ito ni Trump na sinabing labag iyon sa mga values na itinuturo ng Simbahang Katolika.
—-